What's Hot

Singing group na 'Triplets,' kinilig sa pagiging patok ng 'That's Entertainment' online reunion

By Aedrianne Acar
Published May 2, 2020 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Kevin Durant's 39-point effort powers Rockets past Wolves
The fashionable looks of Kapuso stars in 2016
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

triplets on thats quarantainment


Marami raw ang nag-message kay Tina Paner tungkol sa reunion nila ng mga kasamahan sa 'That's Entertainment' lalo na raw ang fans nina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta.

Nakatataba ng puso para kina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Sheryl Cruz--mas kilala sa tawag na singing group na 'Triplets' noon--ang pagtutok ng mga tao sa online reunion ng That's Entertainment stars.

Sa video na tinawag nilang "That's Quarantainment," mapapanood ang kilalang '80s love team na kumakanta ng "Nothing's Gonna Stop Us Now' sa kani-kanilang mga bahay para magbigay saya sa gitna ng COVID-19 crisis.

PANOORIN: Full video performance nina Manilyn Reynes, Janno Gibbs, at ibang '80s stars para sa 'That's Quarantainment

'That's Entertainment' stars to hold an online reunion

Sa panayam ni Nelson Canlas kay Manilyn Reynes para sa 24 Oras, sinabi ng actress-singer na exciting ang nakuha nilang suporta mula sa fans.

Manilyn Reynes, "Nakakatuwang isipin na 'yung mga nanood at mga manonood pa at mga paulit-ulit na nonood ngayon ay tuwang-tuwang.

Hindi rin nagdalawang isip si Sheryl Cruz na umo-oo nang yayain siya mag-perform sa 'That's Quarantainment.'

Aniya, "Siyempre, hindi mo matatanggihan lalo na kapag kaibigan na 'yung lumapit sa'yo at sabihin sa'yo let's do this [and] it's a feel good video."

Napabilib naman ang actress-singer na si Tina Paner sa passionate fans nina Sheryl at Romnick Sarmenta, na kilig na kilig nang makitang magkatrabaho ang dalawa.

Wika ni Tina, "May nagdi-DM na sa akin sinasabi, "Miss Tina, nakakatuwa kasi hindi kami makatulog, excited na excited.'

Sabi ko, "Bakit sila excited?'

"Ang word pa ang tagal-tagal na inasam-asam na makita si SherNick, si Romnick at tsaka si Sheryl.

"So, nakakatuwa sila kasi talagang makikita mo na sina Sheryl at si Romnick talagang minsan lang magkasama together."

Panoorin ang buong interview sa "Chika Minute":