GMA Logo Caprice Cayetano
Photo by Caprice Cayetano (Facebook), Nice Print Photography
What's Hot

Singing voice ni Caprice Cayetano, pinuri ng fans at netizens

By EJ Chua
Published November 11, 2026 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ninong Ry reveals partner's 2 pregnancy losses before welcoming second child
Bea Millan-Windorski is wonderful in white at Miss Universe welcome dinner
Chika Cart: Pepay sa naging tampuhan nina Vice Ganda at MC Muah: 'Hindi talaga kami halos nangialam'

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano


Netizens at fans sa Sparkle star na si Caprice Cayetano: "She is really a total package."

Usap-usapan ngayon ang highlights ng katatapos lang na engrandeng 18th birthday celebration ni Caprice Cayetano.

Bukod sa kanyang gowns, look, at guests, isa rin sa topics ng fans at netizens sa social media ay ang tungkol sa kanyang singing voice.

Nasorpresa ang lahat sa napakagandang performance ni Caprice sa song number niya kasama ang singer na si Arthur Nery.

Marami ang nakapansin na bukod sa acting skills ng Sparkle star ay mayroon din siyang talent sa pagkanta at hindi ito simple dahil marami ang talaga namang bumilib dito.

Reaksyon ng fans at netizens sa singing voice ni Caprice:


Courtesy: Nice Print Photography

*Related gallery: Caprice Cayetano's star-studded debut

Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Caprice Cayetano ngayon ay ang upcoming drama series na A Million Dreams.

Mapapanood siya sa serye bilang isa sa lead stars kasama sina Camille Prats at Angel Guardian.

Isa rin sa co-stars niya rito ay ang former housemate niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 na si John Clifford., kung saan kasama niya bilang lead stars sina Camille Prats at Angel Guardian.

Si Caprice Cayetano ang itinanghal na Kapuso Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.