GMA Logo Running Man Philippines cast members season 2
Source: 24 Oras
What's on TV

Sino ang dream guest ng Runners sa season 2 ng 'Running Man PH'?

By Aedrianne Acar
Published January 7, 2024 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man Philippines cast members season 2


Flagship Kapuso newscast na '24 Oras Weekend', may pasilip na sa paghahanda ng cast ng 'Running Man Philippines' para sa kanilang bagong season.

Hindi pa man tumutulak ang Runners papuntang South Korea para sa season 2 ng Running Man Philippines ay excited na ang mga ito sa mangyayari sa new season ng hit reality show na gagawin nila sa Winter season.

Eksklusibong naka-panayam ng 24 Oras sina Glaiza De Castro, Kokoy de Santos, Buboy Villar, at Lexi Gonzales para sa mga ginagawa nilang paghahanda para sa Running Man PH.

Ayon kina Glaiza at Buboy, wish nila para sa upcoming season ay may mag-guest na isang Korean actor.

Lahad ni Buboy, “Gusto ko ma-experience 'yung may Korean guest. Gusto ko pa namin din 'yung alam mo 'yun, 'Wow!'

Dagdag naman ni Boss G, “Sana may Korean na actor, ganun. May mga oppa ganiyan.”

Running Man Philippines season 2

Source: 24 Oras

Aminado naman si Kokoy na medyo naghahabol siya sa paghahanda physically para sa mga gagawin nilang missions.

Aniya, “Kakasimula ko lang nitong a-uno ng January kaya naghahabol ako, kumbaga cramming malala 'to.”

Anu-ano naman kaya ang dadalhin ni Lexi sa South Korea this time around?

“Siguro magsta-stock ako ng maraming Pinoy food, pang-Adobo, pang-Sinigang lalo na malamig.”

Ayon naman kay Glaiza na challenging na ang pagpe-prepare ng luggage, dahil tag-lamig sa Korea now.

“'Yung pag-e-empake ay challenge na kaagad para sa amin, kasi hindi namin alam kung paano namin dadalhin,” saad ng Sang'gre actress.

Para sa updates at exclusive content sa season two ng Running Man PH, please visit GMANetwork.com

BALIKAN ANG VIRAL VIDEOS NG RUNNING MAN PH NOONG 2022: