What's Hot

Sino ang first kiss ni Rodjun Cruz?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 5, 2020 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Curious ba kayo mga Kapuso kung sino ang unang halik ni Rodjun Cruz? Clue: Hindi siya artista at mas matanda pa siya kay Rodjun!
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com 

Sa nakaraang live chat ng cast ng Ang Dalawang Mrs. Real, naitanong kina Lovi Poe, Marc Abaya at Rodjun Cruz kung ano ang maituturing nilang unforgettable fan encounter.
 
Wala pa raw nag-stand out para kay Lovi, habang ang kay Marc naman ay medyo violent dahil hinampas daw siya ng isang fan dahil galit na galit sa character niya sa isang teleserye.
 
Hinding hindi naman makakalimutan ni Rodjun ang kanyang karanasan. Ten years old palang daw siya noon, at kasama pa ang kanyang ina at kapatid na si Rayver.
 
"Bata pa ako noon eh. Hindi ko talaga makalimutan. Kami ni Rayver, sa isang show. Mas bata sa akin si Rayver, so 'yung mom ko doon kay Rayver nakahawak. Nasa likuran ako. Biglang may humatak sa akin na babae. Ki-niss ang lips ko!"
 
Ano naman ang ginawa niya pakatapos siyang nakawan ng halik?
 
"Umiyak na lang ako. Sabi ko, 'Mama! Bakit mo ako iniwan?'," patawa niyang sagot.