
Sa recent episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, isang picture ng lalaki mula sa Monkayo, Davao de Oro ang pinagusapan dahil sa pagkakahawig ng lalaki sa aktor na si Jericho Rosales.
Tila papasa raw na kambal ni Jericho Rosales si Junrey Baug. Bukod sa pagkakahawig, parehas din daw silang mahilig mag-motor.
"Pinapanood ko po 'yung mga video ni Jericho na nag-mo-motor dahil hilig ko rin po 'yun," sabi ni Junrey.
Kuwento naman ng lolo niya, pinaglihi raw siya ng ina kay Jericho Rosales.
Katulad ni Jericho, maaga rin natutong maghanap-buhay si Junrey. "Isa akong construction worker at magsasaka ng rubber."
Alas tres pa lang ng umaga, bumabangon na si Junrey para magtrabaho.
Ayon pa sa kanya, mahigit 200 rubber trees ang kinukuhaan niya ng katas sa loob ng dalawang oras.
"Mahirap po, masakit sa likod at malamok," kuwento ni Junrey.
Pagsapit ng alas sais ng umaga, pumapasok naman siya sa kanyang construction job dahil hindi raw sapat ang kinikita ni Junrey para sa pamilya.
Kilalanin ang Jericho Rosales ng Davao de Oro sa video na ito: