
Bibida ang tatlong nag-gagandahang Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Max Collins at Lovi Poe sa isang rom-com series sa GMA. Sa ngayon ay hinahanap pa ang perfect leading man ng tatlo, pero ano nga ba ang qualifications para sa lalaking kanilang pag-aagawan sa show?
Ani ni Rhian, "Kailangan may chemistry sa aming tatlo, and kailangan kapani-paniwalang pag-aawayan talaga namin. So, I'm not exactly sure yet kung sino'ng na-cast kasi kahit sa amin sine-secret pa."
Nagpapasalamat din si Rhian na bukod sa teleserye, may upcoming indie movie rin siya na rom-com din. Ika niya, "Sobrang ang tagal ko na pinagpe-pray na magkaroon ng rom-com. And I thought I was starting to go into being typecasted as a heavy drama actress. And then these came along."
Panoorin ang full report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Video from GMA News