
Muling napanood ang nanay at kapatid ni Rhian Ramos na si Carla Ramos at Nadine Howell sa kaniyang YouTube channel upang maglaro ng "Sino ang mas _____?" challenge.
Rhian Ramos and sister Nadine Howell compete to see who knows their mom better
Sa kanilang video, sinagot nina Rhian at Nadine ang mga tanong ng kanilang ina na nagsisimula sa "sino ang mas."
Nang tanungin sila ng "Sino ang mas pasaway?" hindi makapaniwala si Rhian na siya ang mas pasaway sa kanilang dalawang magkapatid.
Aniya, "Porke't ako 'yung nahuhuli, ako agad 'yung mas pasaway?"
Panoorin ang nakakatuwang kulitan nina Rhian, Nadine, at Mommy Carla sa kaniyang YouTube channel.
Kabilang si Rhian sa cast ng Love Of My Life as Kelly. Napanood din siya as Jodi/Jenna sa Philippine TV remake na Stairway To Heaven na kasalukuyang nagre-rerun sa GMA Afternoon Prime.