
Dobleng tawanan ang hatid ng Daddy's Gurl ngayong Sabado dahil dual role ang gagampanan ng multi-awarded actor na si Paolo Ballesteros!
Abangan ang award-winning 'Die Beautiful' star sa pagganap niya bilang sina Pabling at Maruya.
Dapat nga ba mag-ingat ang Team Bahay at Team Office sa dalawang ito?
Ano kaya ang magiging papel nina Pabling at Maruya sa buhay nina Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza)?
Subaybayan ang laugh-out-loud episode ng patok na Kapuso sitcom na Daddy's Gurl this September 12 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).
Daddy's Gurl: Meet Pabling and Maruya