Article Inside Page
Showbiz News
Bukod sa pag-konsulta sa mga kaibigang pari, may mga tinuturing pegs din daw si Dingdong Dantes para sa kanyang role sa faith-seryeng 'Pari 'Koy.'
By MICHELLE CALIGAN
Bukod sa
pag-konsulta sa mga kaibigang pari, may mga tinuturing pegs din daw si Dingdong Dantes para sa kanyang role sa faith-seryeng
Pari 'Koy.
"Si Fr. Tito Caluag ang isa sa mga inspirasyon ko dito. In fact, when I found out about it, siya 'yung isa sa mga unang in-inform ko. Si Fr. Eric Santos isa rin sa consultants. 'Yung personality po niya ang isa sa mga kumbaga ay pegs noong sinulat ang character ni Father Kokoy," kuwento ng aktor.
Sinisigurado daw ng programa na maingat sila sa pagbuo ng character ni Dong. "We make sure that everything we do, we consult with our group of religious consultants. Sinisiguro namin 'yun."
WATCH: Pilot episode ng Pari 'Koy, tinutukan ng ilang pari
Isa pa daw sa naging inspirasyon ng Kapuso Primetime King ay ang pagpapakasal niya kay Marian Rivera noong December 30.
"Tingin ko 'yung mismong wedding ceremony, 'yun ang naging magandang preparation for me because everything increased tenfold after that. Parang mas nagkaroon ng matinding kahulugan ang buhay, pagmamahal, et cetera. Sakto lang din doon sa feel ng kung ano ang nararamdaman ko doon sa character. Nag-swak siya."