
Ninong at Ninang nila sa kasal ang couple na ito.
Marami ang humahanga sa love story nina Pauleen Luna at Vic Sotto. Sino naman kaya ang couple na tinitingala ng actress-host?
Sa isang maiksing video na ibinahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram post ay ipinakita niya kung sino ang kanyang #relationshipgoals. Sila ay walang iba kung hindi ang kanyang ninong at ninang na si Joey de Leon at asawa nitong si Eileen Macapagal.
Taong 1982 nang unang mag-date at ikinasal sina Joey at Eileen. Itinuturing silang isa sa mga celebrity couples na mayroong matagumpay at masayang pagsasama.
MORE ON PAULEEN LUNA:
LOOK: 5 Eat Bulaga hosts whose love lives are #relationshipgoals
IN PHOTOS: 16 of the sweetest celebrity kisses