
Tiyak na puno na naman ang saya at katatawanan ang Sunday PinaSaya sa darating na Linggo dahil sa Summer Bikini Open 2016.
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Iba't ibang karakter na ang nagampanan ng Kapuso star na si Wally Bayola sa kabuuan ng kanyang karera bilang isang komedyante.
READ: Alden Richards on Wally Bayola and Jose Manalo: 'geniuses'
Ngayong Linggo, isa na namang panibagong mukha ang kanyang bibigyang buhay bilang judge ng first-ever Summer Bikini Open 2016 sa Sunday PinaSaya.
"'Yung mga judges, iba't ibang karakter na naman ang kanilang makikita. Mag-spoof kami [at] hindi ito gawa-gawang karakter [dahil] may gagayahin kaming karakter [na] kilalang-kilala," saad ng character actor sa panayam ng GMANetwork.com.
Ang iba pang judges na makakasama niya sa contest ay sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at ang komedyanteng si Joey Paras.
Tiyak magiging mainit ang labanan dahil ayon kay Wally, "May mananalo. Pagalingan talaga sila sa judges. Kahit contest ito, playtime pa rin ito para happy-happy lang. Good vibes! Summer na [kaya huwag palampasin ng mga] mahihilig diyan sa abs."
Tuturuan rin ni Coach Cynthia ng "Makabayan Acting" ang award winning character actor na si John Arcilla bilang si "Heneral Luna."
"Kung nakita niyo na si John Arcilla na makisig, matapang [at] talagang mandirigma na heneral, pagdating dito kay Coach Cynthia, sigurado si Heneral ay tutupi!" ayon sa aktor ng segment na "Cynthia’s School of Overacting."
Kaabang-abang rin daw ang magiging lababan nila ng dalawa, "May fight scene kami [at ipapakita rin niya] kung paano siya lulusob at susugod sa harap ng kamera. Kung sa "Heneral Luna," puro madugo, ito [ay] happy-happy lang [at] nakakatawa!"
MORE ON WALLY BAYOLA:
Comedy Queen Aiai delas Alas super proud sa Sunday PinaSaya co-star na si Wally Bayola
TAPE executive Malou Choa Fagar proud of Wally Bayola