GMA Logo Ramon Bautista
What's Hot

Sino ang sumira ng quarantine pass ni Ramon Bautista?

By Aedrianne Acar
Published May 22, 2020 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ramon Bautista


In-expose ng comedian at actor na si Ramon Bautista sa Instagram ang may kasalanan sa pagkasira ng kanilang quarantine pass.

Matatawag na holy grail para sa marami ang kani-kanilang quarantine pass ngayong may pinaiiral na modified enhanced community quarantine.

Ginagamit ang naturang pass para makalabas sa isang barangay o lugar para makabili ng essential items tulad ng pagkain o gamot.

Kaya ganun na lamang ang pagka-shock ni comedian/actor Ramon Bautista nang makita na gula-gulanit na ang kanilang quarantine pass.

At ang salarin ay walang iba kundi ang kanyang alagang aso.

Dinaan na lamang sa pagpapatawa ni Ramon ang nangyari. Sabi niya sa kanyang IG post, "Sureball walang lalabas ng bahay #GalawangIdealGuy #HayopAngDating #StayAtHome."

Sureball walang lalabas ng bahay #GalawangIdealGuy #HayopAngDating #StayAtHome

A post shared by ramon bautista (@ramonbautista) on

Napa-react naman ang ilang celebrities sa funny post ng comedian. Napansin pa ni Carla Abellana na "happy at proud" pa ang kanyang aso sa ginawa nito.

Mayroon dalawang aso si Ramon, sina Dugdug at Batbat, na minsa'y sinasama pa niya sa kanyang social media posts.

Ramon Bautista greets girlfriend of 6 years Rachel Imperial a happy birthday