Article Inside Page
Showbiz News
Mapapanood na ang Dragon Ball Z sa Superhero Sunday!
By MARAH RUIZ

Isang bagong katawan ang kailangan ni Dr. Wheelo dahil utak na lang ang natira sa kanya. Kaya naman hinahanap ng kanyang kasamahang si Dr. Kochin ang pinakamalakas na tao sa buong mundo para nakawin ang katawan nito.
Nais kasi ng dalawang mad scientists na ituloy ang kanilang mga eksperimento para bumuo ng mga makakapangyarihang nilalang para gawing mga mandirigmang kayang sakupin ang buong mundo.
Dahil sa pag-aakalang si Master Roshi ang pinakamalakas sa buong mundo, dinukot niya ito. Nadamay pa si Bulma! Makakalaban naman si Master Roshi, ngunit matatalo pa din siya ng mga Bio-Men ni Dr. Kochin. Dahil dito, mapapagalaman niyang hindi pala ito ang pinakamalakas na katawang hinahanap niya.
Samantala, malalaman naman ni Goku ang tungkol sa pagdukot sa kaniyang mga kaibigan. Susubukan niyang reskyuhin ang mga ito. Tamang tama naman na ibubunyag ni Bulma na si Goku ang pinakamalakas na tao sa buong mundo, kaya dito naman mababaling ang atensyon ng dalawang scientists.
Magtagumpay kaya ang mga plano nina Dr. Wheelo at Dr. Kochin? Mailigtas kaya ni Goku ang kanyang mga mahal sa buhay?
Abangan sa Philippine Free TV Premiere ng Dragon Ball Z: The Strongest Guy in the World, March 8, 10:45 am sa Superhero Sunday, dito lang sa GMA!