Article Inside Page
Showbiz News
Sino ang prinsipe sa buhay ni Lyn (Manilyn Reynes)? Si Christian (Janno Gibbs) pa rin ba o si Patrick (Leandro Baldemor) na?
By EUNICIA MEDIODIA

Pinagtapat sa akin ni Christian na hindi buntis si Lavender. Pero hindi ko siya magawang mapatawad. Kailanman hindi maalis sa aking isipan na natulog siya kasama si Lavender.
Sa harap ng aming bahay, narinig ko si Patrick at si Mindy na nag-uusap. Lumabas kami ni Rachel. Mukhang nagtatalo sila Mindy at Patrick. Ano kaya ang pinagtatalunan nila?
Bigla na lang binanggit ni Patrick na may gusto siya sa akin. Hindi ako makapaniwala. Nagkakagusto na sa akin ang matalik kong kaibigan. Paano nangyari iyon?
Si Rachel ang unang nagsalita. Tinanong niya si Patrick kung may gusto siya sa akin. Hindi rin maitanggi ni Patrick ang kanyang nararamdaman para sa akin. Pero hindi puwede maging kami ni Patrick. Mahal ko ang aking anak – si Rachel. Alam kong hindi siya natuwa sa kanyang narinig. At hindi rin siya matutuwa kung sakaling maging kami ni Patrick.
Sinundan ko si Rachel sa kanyang kwarto. Pinaliwanag ko sa bata na si Patrick ay kaibigan ko lang. Hindi magbabago ang pagturing ko sa aking matalik na kaibigan kaya wala siyang dapat ipag-alala.
Iba si Prince Charming, ang taong mamahalin ko. Nagulat ako sa sunod na tinanong ni Rachel. Si Christian ba raw ang aking "Prince Charming?" Hindi ko siya masagot dahil hindi ko rin alam.
Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Christian, hindi ko na alam kung paano sasagutin ang mga tanong ng aking anak. Magkakabalikan pa kaya kami ni Christian? Kaya ko bang tanggapin ang ginawa niyang panloloko sa amin?