GMA Logo KKA teaser poster
What's Hot

Sino itong magiging bagong Kapuso?

By Dianne Mariano
Published October 4, 2021 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

KKA teaser poster


Abangan ang newest Kapuso ng GMA Network sa '24 Oras' mamayang gabi!

Sino kaya itong bagong magiging Kapuso?

Isang larawan ang ipinost ng GMA Network sa Facebook kamakailan at makikita dito ang isang blurred na tao na nakasuot ng gray longsleeves at sumbrero.

Maliban dito, makikita rin na naka-finger-heart na pose ang misteryosong tao na ito na tinatawag na “Kuya."

Nakasulat sa litratong ito ang mga nakaka-intrigang salita na “PAPARATING NA SI KUYA, MGA KAPUSO! ABANGAN!”

Habang sinusulat ang istorya, ang Facebook post na ito ay mayroon nang mahigit sa 88,000 likes at 16,000 comments mula sa netizens na ibinabahagi ang kani-kanilang hula tungkol sa larawan.

Ang naturang blurred photo na ito ay ipinost din sa Instagram, kung saan umani nang mahigit sa 25,000 likes at libu-libong comments.

Isang post na ibinahagi ni gmanetwork (@gmanetwork)

Sa tingin ninyo, sino itong bagong Kapuso? Abangan ito sa 24 Oras ngayong Lunes!

Samantala, kilalanin ang mga artista na nagmula sa ibang networks at ngayon ay proud to be a Kapuso na sa gallery na ito: