Article Inside Page
Showbiz News
Alamin ang sagot ni Kapuso actress Jean Garcia.
By AL KENDRICK NOGUERA
Maituturing nang beterano sa industriya si Kapuso actress Jean Garcia dahil sa tagal na nang itinatakbo ng kanyang showbiz career. Mula noong nagsimula siya sa
That's Entertainment noong '80s, dire-diretso na ang kanyang projects hanggang ngayon.
Kontrabida man o bida, iba't-ibang roles na rin ang nagampanan ni Jean sa mga teleserye. Ngayon ay lumalabas siya sa
The Half Sisters bilang Rina, ang noo'y inaapi na natuto nang lumaban.
Dahil sa galing sa pag-arte, tinanong si Jean ng press kung sino kina Barbie Forteza at Thea Tolentino ang maaaring sumunod sa kanyang yapak. "Actually both of them kasi si Barbie [ay] pang-bida, for me ha. Parang hindi siya bagay na kontrabida. Si Thea kasi bida at saka kontrabida," sagot niya.
Dahil bida-kontrabida ang usual characters ni Jean, kay Direk Mark Reyes na mismo nanggaling na si Thea nga raw ang malaki ang potential na maging tulad ni Jean.
READ: 'The Half Sisters' is the most significant show of Direk Mark Reyes after 'TGIS' and 'Encantadia'
Sa huli, sinabi ni Jean na mayroong kanya-kanyang talento sina Barbie at Thea sa pag-arte na siguradong magiging tulay para tumagal pa sila sa industriya.
LOOK: 'The Half Sisters' goes to Japan