What's on TV

Sino kina Cherie Gil at Heart Evangelista ang kinakampihan ni Jose Manalo sa pag-judge sa StarStruck?

By Maine Aquino
Published June 11, 2019 4:57 PM PHT
Updated June 11, 2019 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Sino nga ba ang mas matimbang kay Jose?

Tatlong bigating artista ang nagsama-sama bilang council ng season 7 ng StarStruck para hanapin ang next Ultimate Male and Female Survivor.

Ngayong 2019, sina Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo ang magiging judge para sa StarStruck. Sila ang council na magiging daan para matupad ang artista dreams ng mga StarStruck season 7 hopefuls.

IN PHOTOS: 'StarStruck' season 7 media conference

Isang biro ang ibinigay ni Jose sa media conference ng StarStruck nitong June 10, nang siya ay tanungin kung sino kina Cherie at Heart ang kanyang kinakampihan kapag kailangan na nilang magdesisyon.

"Hindi ko puwedeng kampihan si Heart kasi mataray si Cherie Gil. Hindi ko rin puwedeng kampihan si Cherie, ang ganda naman ni Heart 'di ba?" natatawang biro ni Jose sa press.

Dagdag pa niya, "Pareho silang ano eh. Wala naman akong kinakampihan... Minsan nakapili na sila, so nasa akin yung huling desisyon. Sabi ko aba bahala na kayong dalawa diyan. Kayo rin lang nag-decide eh."

Nang magseryoso si Jose, binigyang diin niya ang maganda nilang samahan bilang StarStruck council.

StarStruck Season 7: The search is on for the next Ultimate Male and Female Survivors

"Maganda naman 'yung rapport namin sa nakikita ko kasi may kanya-kanya kaming ginagawa."

Dahil sa kilalang mga upper class na artista sina Cherie at Heart, hinahangaan daw ni Jose na nag-adjust ang dalawa para magampanan ng maayos ang kanilang roles bilang judge.

"Kahit na upper class 'yung dalawa, 'yung adjustment nila para sa viewers nitong contest, nakaka-adjust. Kaya nila eh."

Dagdag pang biro ni Jose, "Dahil nga siguro nandoon ako, minsan pag sumososyal na silang ganun, kapag lingon nila sa akin... may jologs pala tayo."

Abangan ang StarStruck council na sina Cherie, Heart at Jose sa StarStruck season 7 simula June 15, pagkatapos ng Daddy's Gurl; at tuwing Linggo, kasunod ng Daig Kayo ng Lola Ko.

IN PHOTOS: 'StarStruck' season 7 media conference