GMA Logo Joross Gamboa at Rodjun Cruz Dianne Medina wedding
What's Hot

Sino kina Rayver Cruz, EA Guzman, at Alden Richards ang susunod na ikakasal?

By Nherz Almo
Published December 22, 2019 2:18 PM PHT
Updated December 23, 2019 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya surrender not admission of guilt but legal strategy, says lawyer
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Joross Gamboa at Rodjun Cruz Dianne Medina wedding


Tanong ni Joross Gamboa sa Kapuso actors na sina Rayver Cruz, EA Guzman, at Alden Richards, "Sino kaya ang susunod na ikakasal?"

Viral ngayon ang ilang videos ng aktor na si Joross Gamboa dahil sa tanong niya sa mga bachelor na kasama niya sa kasal nina Rodjun Cruz at Dianne Medina kahapon, December 21.

Sa Instagram Story, ibinahagi ni Joross ang ilang videos kung saan makikita tinatanong ang sarili, "Sino kaya ang susunod na ikakasal?" habang nasa background kanyang kaibigang celebrity bachelors na sina Alden Richards, Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, Ea Guzman, at Ruru Madrid.

Sa unang video, sabi ni Jorross, "Ito ang next one," habang nakatutok ang camera kay Matteo Guidicelli. Sabay paling kay Rayver, "Or ikaw? Sino?"

Sagot naman ni Rayver, "Next in line, this guy," habang tinuturo si Matteo, na kamakailan lamang ay inanunsiyo ang engagement nila ni Sarah Geronimo.

Sa parehong IG story, tinanong din ni Joross ang Hello, Love, Goodbye co-actor niyang si Alden, "Ikaw, kelan?"

Hindi sumagot si Alden ngunit umakto itong nang parang nag-iisip habang nakangiti.


Sa isa pang video, tumapat naman si Joross sa celebrity couple na sina EA at Shaira Diaz at muling nagtanong, "Sino kaya ang susunod na ikakasal?"

Parehong namang natawa sina EA at Shaira habang umiiwas sa video ni Joross.

Sa sumunod na video, tinanong ni Joross ang dating Deadma Walking co-actor niyang si EA, "Sa tingin mo, sino kaya ang next?" sabay paling ang camera sa celebrity couple na sina Rayver at Janine Gutierrez, na natawa rin sa tanong ng aktor.

"Sino kaya next?" 😁 Nice one, Joross! #RayverCruz @rayvercruz #JanineGutierrez #rodtoforeverwithdianne CTO #JorossGamboa IGS

A post shared by Rayverlovers (@rayverlovers) on

Hindi rin nakawala sa "Sino ang susunod na ikakasal?" video ni Joross ang Kapuso actors na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

@joross_gamboa IGS Sino kaya next?!😂😂😂 (Insert credits example: directed by Robert Weide) @rurumadrid8 @bianxa #ruca #rucasforever #rucaisreal #ruca2020 #rodtoforeverwithdianne

A post shared by Brylle Gonzales (@bryllegonzales) on