GMA Logo My Father's Wife
What's on TV

Sino sa cast ng 'My Father's Wife' ang papayag maging stepparent ang kanyang best friend?

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 24, 2025 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

My Father's Wife


Sino kaya kina Kazel Kinouchi, Gabby Concepcion, Kylie Padilla, at Jak Roberto ang handang gawing stepfather o stepmother ang best friend?

Isa sa mga bida ng GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife ang papayag na maging stepfather o stepmother niya ang kanyang best friend.

Katulad ng nangyayari sa kanilang programa, tinanong ng GMA Drama sina Kazel Kinouchi, Gabby Concepcion, Kylie Padilla, at Jak Roberto kung ano ang mararamdaman nila kapag naging stepmother o stepfather nila ang kanilang best friend.

Sagot ni Kylie, "I can't even imagine it! 'Wag naman ganon."

Dagdag naman ni Jak, "Ano ang mapi-feel ko? Bro, bakit naman?"

E, si Gabby naman kaya? "Ah, okay lang, kasi matanda naman na. Pwede, pwede, I might be doing him a favor pa, 'di ba?"

Bukod kay Gabby, isa pang cast ng My Father's Wife ang pumayag kung magiging stepparent niya ang kanyang best friend.

Sagot ng artistang ito, "Fun 'yun! That's going to be going so much fun. Imagine mo, nanay mo best friend mo, e di kayang-kaya mong hingan ng pera 'yun. 'Hello, halika na, mag-biyahe na tayo dali.'"

Alamin kung sino ang artistang 'yan dito:

Panoorin ang My Father's Wife, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.