Article Inside Page
Showbiz News
Hulaan niyo. Si Enzo Pineda, Diva Montelaba, Steven Silva o Sarah Lahbati ba?
By MICHELLE CALIGAN

What does Rocco think of his 'StarStruck' batchmates' career?
Ang sagot niya: "Walang bumagsak sa amin."
Pare-parehong active ang careers ng lima mula nang matapos ang kompetisyon.
Sa ngayon, si Rocco ay mapapanood sa primetime drama na Hiram na Alaala. Si Enzo ay bahagi ng upcoming series na More Than Words, habang si Diva ay gumanap bilang asawa ni Dominic Roco sa katatapos lang na Ang Dalawang Mrs. Real. Si Sarah naman ay mapapanood every Sunday sa Sunday All Stars. Napasama naman sa cast ng Singaporean musical series na The Boston: Kitchen Musical si Steven.
Nang tanungin si Rocco kung sino sa kanyang batchmates ang kanyang hinahangaan, hindi ito nagdalawang-isip sabihin na na-impress siya sa kanilang lahat.
"I'm not being biased, but I would have to say everyone, the five of us. No one had a falling out, walang bumagsak sa amin. All of us are going up. We are slowly reaching the peak of our career," pahayag niya in an interview during Hiram na Alaala's press conference.
Dagdag pa niya, masaya siyang hindi nila nakakalimutan ang mga taong naging bahagi ng kanilang pagsisimula sa showbiz.
"I'm happy [na] walang bumabagsak, walang nagka-attitude. We stayed humble. We still look back at the people who were with us when we started."