
Hindi maikakaila na namana ni Talitha Mari, mas kilala sa pangalan na Tali, ang pagkahilig sa music ng kaniyang mga magulang na sina Eat Bulaga pioneer Vic Sotto at Pauleen Luna.
Idagdag mo pa na mukhang tinamaan na din ang cute girl ng BTS fever.
Sa panayam ng 24 Oras kay Vic Sotto, ni-reveal nito na ang favorite ng anak niya ay ang mga kanta ng Grammy-nominated K-pop group.
Kuwento ng Daddy's Gurl star, “Isa sa mga latest discovery ko sa kanya ay member siya ng BTS Army [laughs].
“Alam niya na 'yung 'Dynamite', 'yung 'Butter.' Pauli-ulit 'yun, tapos pinapanood niya.”
Samantala, matapos isilang ni Pauleen si Tali noong 2017, mas nag-focus na si Bossing sa kanyang health and fitness.
Pahayag ng multi-awarded comedian and host kay Nelson Canlas na bawal ang “tatamad-tamad” lalo na kapag kasama ang napaka-hyper na bata tulad ni Tali
Ani Vic, “Hindi puwedeng tatamad-tamad ka, dahil may kakulitan na ang bata.
“Gusto [ni Tali], 'You can't catch me!'
“Tapos, okay let's play hide and seek. I'll count one to 10, you hide.
“Kailangan makikipagtaguan ka [laughs]. Lahat 'yun [pati] habulan, so kailangan may energy ka. Hindi lang sa physical, pati sa pagsalita, dahil parang talo ata si Pauleen [Luna] nito sa kadaldalan.”
Panoorin ang buong panayam ni Vic Sotto sa Chika Minute sa video below.
Heto naman ang pasilip ng pamilya ni Bossing sa kanilang short vacation sa isang medical wellness resort sa probinsya ng Batangas sa gallery na ito.