
Matapos ang ilang taong pagkakakulong, tumungo agad si Melvin (Lee Sung-wook) sa opisina ni Tommy (Ji Jin-hee) upang makahanap ng trabaho.
Bagamat nakapagtapos siya sa pag-aaral at nakapasa sa law school, isa rin siyang ex-convict.
Tanggapin kaya siya nito? At bakit siya dumiretso kay Tommy? May maitutulong kaya siya sa kaso ni Arianne Go (Kim Nam-joo)?
Samantala, labis ang pagtataka ni Arianne sa biglang pagbabago ng isip ni Yuri (Jeon Hye-jin) sa plano nitong pag-alis sa bansa.
Ano ba ang tinatagong balak ni Yuri?
Patuloy na panooring ang Misty, mula Lunes hanggang Huwebes dito lang sa GMA pagkatapos ng Meant To Be.