
Parami nang parami ang fans ng My Special Tatay at ang lead star nitong si Ken Chan.
Sa isang Instagram post, sinabi ng showbiz columnist na si Lolit Solis namay sikat na celebrity hair and makeup artist na nais magparating ng paghanga niya kay Ken.
Ang celebrity hair and makeup artist na ito ay walang iba kung hindi si Bambbi Fuentes!
Ayon kay Lolit, "Isa sa mga avid viewer ng My Special Tatay Salve, si Bambbi Fuentes.
"Hangang-hanga siya kay Ken Chan at gustong-gusto niya ang istorya ng My Special Tatay dahil para kay Bambbi kakaiba ang tema.
"Hindi naman nakapagtataka na maging mahusay na actor si Ken dahil kita mo na seryoso siya sa kanyang trabaho.
"At isa pang bagay na naririnig ko tungkol sa actor ay iyon magandang attitude niya sa trabaho.
"Lahat ng nakakasama niya hanga sa pagka-magalang at very humble na pagdadala nito sa sarili.
"Na siguro turo din sa kanya ni German Moreno dahil isa sa alaga ni Master Showman si Ken Chan.
"Gusto ngang iparating ni Bambbi Fuentes kay Ken Chan ang kanyang paghanga dito.
"Isang patotoo ang maraming nanonood sa My Special Tatay na gusto nila ang tema at hanga din sila sa performance ni Ken Chan at sa ibang artista dito."
Natuwa naman si Ken sa papuri mula kay Bambbi Fuentes.
Aniya, "Nanay @akosilolitsolis maraming salamat po dito! Nakakataba naman po ng puso and to Ms. @bambbifuentes thank you so much for the love and support for My Special Tatay. I really appreciate it, means a lot coming from you!"