
Hulaan n'yo mga Kapuso!
By AEDRIANNE ACAR
Isa sa masasabing fast-rising child star ngayon sa showbiz ang cute sidekick ng Pambansang Bae Alden Richards sa Eat Bulaga na si Bae-by Baste.
LOOK: 14 cutest Bae-by Baste Memes
PHOTOS: Mga Kapamilya at Kapatid stars tutok din sa AlDub
At kanina, napanood sa longest-running gag show ang pinakabagong pakulo ni Baste. Naka-costume siyang lumabas sa Eat Bulaga bilang si Olaf na isang karakter sa blockbuster Disney movie na 'Frozen.'
Ang cute photo ni Baste bilang Olaf ay pumatok online dahil matapos itong ma-upload sa Instagram sa loob lamang ng dalawang oras ay mayroon na itong mahigit 7,800 likes.