Article Inside Page
Showbiz News
Naniniwala kaya ang cast sa concept ng "Sundo?" Sino ang gusto nilang sumundo sa kanila when death comes knocking on their doors?
Sa press conference ng latest offering ng GMA Films sinagot ng cast kung naniniwala sila sa concept ng "Sundo" at kung sino ang gusto nilang sumundo sa kanila when death comes knocking on their doors. Text by Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio
Hindi maiwasang itanong ng press kung naniniwala ba ang cast ng
Sundo, pinangungunahan ng action star na si Robin Padilla, sa age-old belief na sinusundo ng mga sumakabilang buhay na kamag-anak o kaibigan ang mga malapit nang mamatay.
Here is what the cast has to say:
Robin Padilla
'Yung pinag-uusapan ay matandang paniniwala ng ‘sundo’. Hindi lang Pilipino ang naniniwala diyan kung ‘di iba’t ibang nation at iyan ay sinususugan din ng iba’t ibang relihiyon na talagang sa araw ng kamatayan mo may susundo sa iyo. Pero kung ako ang tatanungin kung sino ang susundo sa akin, ang gusto kong sumundo sa akin, magandang babae siyempre (smiles) para medyo maganda naman ang kwentuhan. Kapag kamag-anak ko kasi baka puro problema pa ang pag-usapan namin (laughs).
Sunshine Dizon
Naniniwala ako and I think in a way it is nice though na may susundo sa iyong kakilala mo. Death is a scary process and it is nice to know if ever it is true na may susundo na kamag-anak mo o kakilala mo and if ever sana 'yung lolo ko o 'yung lola ko kasi hindi ko po siya nakilala so sana makilala ko [sila] doon somewhere.
Hero Angeles
Sa akin siguro 'yung idea na may sumusundo na kaluluwa, pwedeng totoo siya at pwede siyang paniwalaan; pwede ring hindi. Siguro kapag napanood ninyo 'yung movie na ito, more on paniniwalaan ng mga tao na pwede ngang manyari sa totoong buhay. Di ba minsan kapag ang isang tao ay namamatay, may nakikita silang kamag-anak…Kung may susundo sa akin, maybe siguro relative ko, grandparents ko, basta kamag-anak kasi mas maganda na 'yung may susundo sa iyo na kakilala mo na pwedeng magpakita sa iyo kung ano 'yung buhay sa kabilang buhay.
Rhian Ramos
Ako naman so far, sa pamilya ko wala pa namang namamatay so ayoko naman silang patayin at sabihin na sila 'yung susundo sa akin (smiles). Hindi ko naman din alam kung sino ang mauuna sa amin 'di ba? Hindi ko alam kung sino ang susundo pero agree ako sa sinabi ni Ate Shine na parang magandang isipin na sana 'yung kakilala ko ang siyang susundo sa akin. At least mas magiging at peace ako na 'yung isang taong pinagkakatiwalaan ko [ay] nandun para sa akin.
Mark Bautista
Ako naman, hindi kasi ako naniniwala sa "sundo" pero kung nangyayari talaga 'yung ganung sunduan, mas gusto ko naman 'yung kakilala ko, mas gusto ko 'yung pamilya ko kasi mas nakakatakot kapag hindi mo kakilala 'yung susundo sa iyo.
Ikaw sino ang gusto mong sundo? Talk about this topic sa
iGMA forums.
Huwag palampasin ang suspense-thriller ng taon mula sa GMA Films. "Sundo" opens in theaters nationwide on March 18.
Maaari mo nang hingan ng update si Robin about his latest movie through his Fanatxt service. Just text ROBIN to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50. (This service is exclusive for Smart and Talk 'N Text subscribers in the Philippines only.)