
Sa episode ng Inagaw Na Bituin noong Miyerkules, February 27, napanood na ang unang kinapapanabikang komprontasyon sa pagitan ng mga karakter nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz bilang Belinda at Lucy.
MUST-READ: The many rivalries between Sunshine Dizon and Angelika Dela Cruz
Sa pagdating nina Belinda at Regina (Jackie Lou Blanco) sa Maynila para muling hanapin si Anna, malalaman nilang ibinenta ni Lucy ang kanilang bahay. Sinimot din ng salbaheng kapatid ang pera ni Belinda sa bangko.
Nagsisi ang mag-ina sa pagtitiwala kay Lucy at hindi nila pinalampas ang panloloko nito. Bumalik sila sa Davao at sinugod ni Belinda ang kaniyang kapatid.
Panoorin:
Maibalik pa kaya kay Belinda ang yaman at pangarap na inagaw sa kanya ni Lucy? Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.