Article Inside Page
Showbiz News
Malaki na ang pinagbago sa figure ni Sunshine mula nang bumalik siya sa showbiz. Paano nga ba niya na-achieve ito?
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Malaki na ang pinagbago sa figure ni Sunshine Dizon mula nang bumalik siya sa showbiz pagkatapos niyang ipanganak ang dalawang anak. One year and two months lang ang pagitan ng bunsong anak niyang si Antonio sa panganay niyang si Doreen.
Medyo matagal ding nawala sa showbiz si Sunshine dahil nagfocus siya sa kanyang pamilya. Pero ngayong hindi na raw gaanong alagain ang mga bata, mukhang magfu-fulltime na ulit siya bilang artista. Sunod-sunod kasi ang proyektong tinatanggap ng batikang aktres mula
Villa Quintana hanggang sa newest show niyang
Strawberry Lane.
“Mabait and for a change mayaman naman. (laughs). Maganda naman tayo ngayon,” sagot ni Sunshine nang tanungin kung ano ang kanyang role ngayon sa Telebabad soap. Mahirap kasi ang ginampanan niyang character sa previous show na
Villa Quintana.
Bukod sa malaking transformation ni Sunshine sa new role, kapansin-pansin din ang resulta ng kanyang pagpapapayat. Kaya naman tinanong namin ang aktres kung ano ba ang mga ginagawa niya para ma-achieve ang kanyang physique ngayon.
“Talagang gym lang tapos fina-follow ko lang 'yung sa nutritionist ko. Sipag, tiyaga saka fighting spirit. Maraming fighting spirit ang kailangan kasi napakahirap mag-gym nang three times a week,” bahagi ni Sunshine.
Pero aniya, marami siyang panahong mag-exercise noon habang naghihintay siya ng next project. Pero ngayong may show na ulit, mukhang mahihirapan na naman siyang mag-gym. Gagawa pa rin naman daw siya ng paraan para maisingit ito sa schedule.
“Puwede kang mag-gym ng hapon. Marami ng apps ngayon na puwede nang [mag-exercise] sa cell phone. Mag-treadmill sa bahay. Talagang you really have to work hard. That's the bottom line,” anang
Strawberry Lane star.
Pagdating naman sa mga kinakain, lahat naman daw ay puwedeng kainin ni Sunshine. Aniya, “I can actually eat everything, okay lang. Ano lang talaga siya, proper portions saka may total calorie limit per day. Pero lahat puwede at may rice pa rin. “
Dagdag pa niya, “You just have to be careful on the choices you make. No more extra rice.”