GMA Logo GTV movies
What's on TV

'Siphayo' ni Joel Lamangan, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published March 18, 2022 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

GTV movies


Kabilang ang 'Siphayo' mula sa direktor na si Joel Lamangan sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Mapapanood ang erotic thriller na Siphayo ng award-winning director na si Joel Lamangan sa GTV ngayong weekend.

Tampok dito si Nathalie Hart bilang Alice, isang nurse na iha-hire ng rice mill owner na si Dante, karakter ni Allan Paule, para alagaan si Fely ang asawa niyang may cancer, role naman ni Maria Isabel Lopez.

Nang mamatay si Fely, masisiwalat na may relasyon pala sina Alice at Dante. Bukod dito, mamamagitan din si Alice sa mga anak ni Dante na si Conrado, played by Adrian Alandy at Rolando, role naman ni Joem Bascon.

Abangan ang Siphayo, March 20, 12:00 pm sa Sine Date Weekends.

Panoorin din ang Asian martial arts movies na The White-haired Witch of the Lunar Kingdom, March 19, 2:00 pm sa Siesta Fiesta Movies; at Ip Man: Kung Fu Master, March 20, 9:45 pm sa The Big Picture.

Huwag naman palampasin ang disaster film na Miami Magma sa March 19, 7:05 pm sa G! Flicks.

Para naman sa action movie fans, tunghayan ang Primitivo Ebok Ala ni Jeric Raval, March 19, 3:45 pm; Lucio Margallo ni Philip Salvador, March 20, 1:45 pm; Kamandag ko ang Papatay Sa 'Yo ni Ronnie Ricketts, 3:30 pm sa Afternoon Movie Break.

movie block tcards

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.