
Puno ng hiwaga ang kinagiliwan at pinag-usapang telefantasya na Sirkus sa pagwawakas nito.
Sa huling episode ng Sirkus, bumalik sa nakaraan sina Miko (Mikoy Morales) at Mia (Mikee Quintos) para sagipin ang mundo mula sa kasamaan ni La Ora (Cherie Gil).
Humingi ng tulong ang kambal sa batang sa Leviticus (Gardo Versoza) para palitan ng masayang alaala ang nangyaring gulo noon sa Pulang Pista.
Ginawa ni Levi ang tama at tinulungan si Lara, ang batang La Ora, na alisin ang galit sa kanyang puso.
Sa pagbago ng nakaraan, natalo ng Tempus si La ora at nagawa nina Miko at Mia ang nakasaad sa propesiya.
Kapuso, maraming salamat sa muling pagsubaybay sa makulay at misteryosong mundo ng salamanca sa Sirkus.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Sirkus, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang GMA fantasy series.
Ang Sirkus ay pinagbidahan nina Mikee Quintos at Mikoy Morales sa papel na Mia at Miko.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Gardo Versoza bilang Leviticus at Cherie Gil bilang La Ora na mortal na magkaaway sa Sirkus.
Hatid naman nina Andre Paras, Sef Cadayona, Chariz Solomon, at Klea Pineda ang nakakamanghang mahika sa tulong ng computer-generated imagery (CGI) effects.
Napanood din sa Sirkus sina Divine Tetay at Gerry Acao bilang mga nakakaaliw na tauhan ni La Ora.
Ang Sirkus ay mula sa direksyon ni Zig Dulay.