What's on TV

Sirkus: Ang pagdating ni Lola Waya

By Jansen Ramos
Published August 5, 2021 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

World markets face fresh jolt as Trump vows tariffs on Europe over Greenland
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

sirkus recap


Sa ikasiyam na episode ng 'Sirkus,' humingi ng tulong si Mia kay Lola Waya para muling makita ang kanyang mga magulang.

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang telefantasya na Sirkus.

Sa August 3 episode ng Sirkus rerun, nakilala nina Miko (Mikoy Morales) at Mia (Mikee Quintos) si Lola Waya (Gina Alajar).

Para kay Mia, ang pagdating ni Lola Waya ay oportunidad para sa kanilang magkapatid na muling makita ang kanilang mga magulang na ngayo'y alipin na ni La Ora (Cherie Gil).

Kinutuban pa si Mia na maaaring tinatago lang ni Leviticus (Gardo Versoza) sa kanila ang katotohanan tungkol sa kanilang mga magulang. Gayunpaman, hindi kumbinsido si Miko dito kaya mag-isa si Mia na lumapit kay Lola Waya.

Sa tulong ng huli, dinala niya si Mia sa puno ng Balete kung saan nanatili ang pinakamabagsik sa salamangkero. Dahil alam ni Martel (Andre Paras) na maaari itong ikapahamak ng dalaga, sumama siya sa paglalakbay ng dalawa.

Sa kanilang pagdating doon, hinarang sila ni Lila (Ashley Ortega), ang tagapagbantay ng punong lagusan papunta sa kampo ni La Ora.

Matagumpay kaya silang makapasok sa kuta ng pinakamabagsik ng salamangkero? Panoorin ang full episode sa video sa itaas.

Patuloy na subaybayan ang pagtuklas nina Miko at Mia sa makulay at misteryosong mundo ng salamanca sa Sirkus.

Mapapanood na ito tuwing Martes, 11:30 p.m., pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Sirkus, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang GMA fantasy series.

Ang Sirkus ay pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Mikoy Morales sa papel na Mia at Miko.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Gardo Versoza bilang Leviticus at Cherie Gil bilang La Ora na mortal na magkaaway sa Sirkus.

Hatid naman nina Andre Paras, Sef Cadayona, Chariz Solomon, at Klea Pineda ang nakakamanghang mahika sa tulong ng computer-generated imagery (CGI) effects.

Napapanood din sa Sirkus sina Divine Tetay at Gerry Acao bilang mga nakakaaliw na tauhan ni La Ora.

Ang Sirkus ay mula sa direksyon ni Zig Dulay.