
Pamilya na ang turingan ng cast members ng Sirkus sa isa't isa. Kaya sa pagtatapos nito kahapon, April 15, ibinahagi nila ang ilan sa kanilang behind-the-scenes photos sa Instagram.
WATCH: Ang huling misyon nina Miko at Mia sa Sirkus
Sa post ni Mikee Quintos, nagpasalamat siya sa lahat ng sumubaybay sa fantasy series at na-enjoy niya rin daw ang pagganap sa karakter ni Mia. Isinulat pa niya ang katagang "walang iwanan" bilang mensahe sa kanyang co-stars na naging barkada.
"Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa #SIRKUS!! I had so much fun playing the oh-so-pink Mia Hahaha Hanggang sa muli. ???? And of course, shoutout to this fun bunch!! “Walang iwanan”. I love you guys," mensahe niya.
Pareho naman ang naging sentimiyento nina Mikoy Morales at Chariz Solomon sa pagtatapos ng serye.
Sa hiwalay na post, nagbigay pa ng short but sweet message si Mikoy para sa kanyang katambal na si Mikee kung saan kalakip nito ang kanyang wacky photo.
"The sister I never had, and the kind of daughter I wish I will have, I love you," saad niya sa Instagram.
Natapos man ang Sirkus, patuloy pa rin nilang pinapahalagahan ang pagkakaibigang nabuo sa loob ng ilang buwan.
Samantala, muling magsasama-sama sina Mikee Quintos, Cherie Gil at Gardo Versoza sa upcoming primetime series na Extraordinary Love.