
Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang telefantasya na Sirkus.
Sa nakaraang episode ng Sirkus, nagtulung-tulong ang mga salamangkero na sina Leviticus (Gardo Versoza), Astra (Chariz Solomon), Martel (Andre Paras), Al (Sef Cadayona), at Sefira (Klea Pineda) para mapabagsak ang pinakamabagsik na salamangkera na si La Ora (Cherie Gil) matapos mapasakanya ang Sentro.
Nailigtas naman nila sina Miko (Mikoy Morales) at Mia (Mikee Quintos) mula kay La Ora at sa mga alipores nito ngunit hindi sila nagtagumpay na labanan ang kakaibang pwersa ng huli.
Sa tindi ng laban sa pagitan nina Master Levi at La Ora, hindi kinaya ng una ang kapangyarihan ng malupit na salamangkera.
Matapos ibuwis ni Leviticus ang kanyang buhay para sa kambal, may huling misyon siya para kina Miko at Mia--ang bumalik sa nakaraan.
Panoorin ang buong episode sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaari itong i-stream dito.
Subaybayan ang pagtatapos ng Sirkus sa susunod na Martes, September 7, 11:30 p.m., pagkatapos ng Saksi sa GMA.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Sirkus, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang GMA fantasy series.
Ang Sirkus ay pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Mikoy Morales sa papel na Mia at Miko.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Gardo Versoza bilang Leviticus at Cherie Gil bilang La Ora na mortal na magkaaway sa Sirkus.
Hatid naman nina Andre Paras, Sef Cadayona, Chariz Solomon, at Klea Pineda ang nakakamanghang mahika sa tulong ng computer-generated imagery (CGI) effects.
Napapanood din sa Sirkus sina Divine Tetay at Gerry Acao bilang mga nakakaaliw na tauhan ni La Ora.
Ang Sirkus ay mula sa direksyon ni Zig Dulay.