What's on TV

Sirkus: Pagkamkam ni La Oras sa Sentro

Published August 19, 2021 3:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

World markets face fresh jolt as Trump vows tariffs on Europe over Greenland
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

sirkus


Sa ikalabing-isang episode ng nagbabalik-telebisyong 'Sirkus,' hindi nagtagumpay sina Miko at Mia sa pagsagib sa Sentro matapos itong maagaw ni La Ora kay Veritas.

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang telefantasya na Sirkus.

Sa August 17 episode ng Sirkus rerun, nagbigay ng ultimatum si La Ora (Cherie Gil) kina Miko (Mikoy Morales) at Mia (Mikee Quintos) matapos makatakas ang dalawa sa kanyang kaharian.

Ipinakita ni La Ora sa bolang kristal ni Astra (Chariz Solomon) na itutulak niya sa lava pool ang mga magulang ng kambal kapag hindi nila sinamahan ang mabagsik sa salamangkero sa nakaraan.

Dahil gusto pa nilang makita nang buhay ang kanilang mga magulang, pumayag sina Miko at Mia sa gusto ni La Ora.

Matagumpay naman silang nakarating sa bayan ng Torres para kunin ang Sentro.

Ngunit sa gitna ng paghananap ni La Ora sa Sentro, isinailalim niya ang tatlong ninuno sa Puting Tore sa kanyang kapangyarihan kaya nagpasya sina Miko at Mia na patigilin ang oras.

Habang nakatigil ang oras, hinanap ng kambal si Veritas (Fanny Serrano), ang ikaapat na ninuno na nagtatago ng Sentro.

Natunton naman nila si Veritas. Gayunpaman, madaling natapos ang time bubble kaya nakahabol si La Ora at naagaw kay Veritas ang Sentro.

Patuloy na subaybayan ang pagtuklas nina Miko at Mia sa makulay at misteryosong mundo ng salamanca sa Sirkus. Mapapanood na ito tuwing Martes, 11:30 p.m., pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Sirkus, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang GMA fantasy series.

Ang Sirkus ay pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Mikoy Morales sa papel na Mia at Miko.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Gardo Versoza bilang Leviticus at Cherie Gil bilang La Ora na mortal na magkaaway sa Sirkus.

Hatid naman nina Andre Paras, Sef Cadayona, Chariz Solomon, at Klea Pineda ang nakakamanghang mahika sa tulong ng computer-generated imagery (CGI) effects.

Napapanood din sa Sirkus sina Divine Tetay at Gerry Acao bilang mga nakakaaliw na tauhan ni La Ora.

Ang Sirkus ay mula sa direksyon ni Zig Dulay.