Celebrity Life

Sis reunion: Barbie Forteza and her Ate Abby meet again

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 10, 2020 7:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Kapuso teen star Barbie Forteza is one of "three Marias." She has an older half sister and one more female sibling. They are both based in the US. Take a look at what happened when her Ate Abby visited the Philippines last June. 
By AL KENDRICK NOGUERA
 
Kung inaakala ninyong only child lang si Barbie Forteza, nagkakamali kayo. Siguro ay madalas ninyo siyang nakikitang kasama ang kanyang mga magulang. Pero so totoo lang, mayroon pa siyang two sisters na hindi pa ninyo nakikilala.
 
Kuwento ni Barbie, bunso siya sa tatlong magkakapatid. Sumunod siya sa kanyang Ate Abby. Pero aniya, ang panganay nilang kapatid ay half sister niya sa kanyang ama. Pribadong tao raw ito kaya’t hindi nila ito isinasapubliko.
 
Pero nagbigay pa rin ng ilang impormasyon si Barbie tungkol sa kanyang half sister. “Masaya siyang kasama. Actually once ko palang siyang nakakasama kasi nasa Virginia (USA) siya kaya minsan lang umuuwi. Tapos noong huling uwi niya, sa amin siya nakisama. Sa amin siya naki-bonding kaya nakasama ko siya,” saad niya.
 
Ang sumunod sa panganay na magkakapatid ay ang Ate Abby ni Barbie. Based siya sa Chicago, USA at bihira rin sila magkita ni Barbie. Pero bago mag-umpisa ang bagong show ni Barbie na The Half Sisters, ikinuwento niya sa amin na excited siya dahil magbabakasyon si Abby sa Pilipinas.
 
“Mag-a-out of town kami tapos sasamahan namin si Ate kung saan niya gustong pumunta like reunion kasama ng family namin, kasama ng friends niya and officemates niya dati rito,” bahagi ni Barbie.
 
Hindi naman na-disappont si Barbie dahil noong dumating ang kanyang Ate sa Pinas noong June 17, sinigurado nilang magagawa nila ang lahat ng kanilang mga plano.
 
Sa Instagram account ni Barbie na @barbaraforteza, kitang-kita sa pictures niya na nag-enjoy sila ng kanyang kapatid. Nagpunta sila sa Baler, Aurora para mag-beach at iba’t-ibang kainan ang pinuntahan nila sa Eastwood at sa kanilang hometown na Sta. Rosa, Laguna.
 

 
Bukod sa beach at food trips, dinala rin ni Barbie ang kapatid sa taping ng The Half Sisters. Nakapagpa-picture pa nga ang Ate niya kay Ryan Eigenmann.
 


At siyempre, hindi mawawala ang bonding moments with the Forteza family dahil nag-celebrate rin sila ng 50th birthday ng mommy nina Barbie.


 
Halos dalawang linggo lang ang itinagal dito ni Abby. Mukhang matagal na naman bago muling magkita ang magkapatid. 

Bago ang flight ni Abby pabalik ng Amerika noong June 29, nagpa-despedida muna ito sa isang comedy bar sa Quezon City kasama ang mga production staff ng show ni Barbie ngayon sa Afternoon prime.