GMA Logo Sisi Rondina, Eya Laure
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Sisi Rondina at Eya Laure, masaya sa tuloy-tuloy na pagsikat ng volleyball sa bansa

By Kristian Eric Javier
Published January 28, 2026 9:51 AM PHT
Updated January 28, 2026 9:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA scores today: Thunder vs Pelicans, Pistons vs Nuggets, and other games
Over 300 families evacuate after M5.7 quake off Sultan Kudarat
FPJ Sa G! Flicks: 'Alas... Hari at Sota' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Sisi Rondina, Eya Laure


Natutuwa ang vollyeball stars na sina Sisi Rondina at Eya Laure sa tinatamasang popularidad ng kanilang sports ngayon.

Masaya ngayon ang volleyball stars na sina Sisi Rondina at Eya Laure dahil sa patuloy na pagsikat ng kanilang laro. Sa katunayan, lumalapit na ang kasikatan nito sa sports na basketball.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, ipinahayag nina Sisi at Eya kung gaano sila ka-proud sa atensyon na natatanggap ng sport.

“Sobrang saya kasi dati, basketball lang talaga 'yung nakikita ng marami. Ngayon, thankful din kami sa PBL kasi sila din 'yung nagbigay ng bridge na mapakita talaga 'yung volleyball,” sabi ni Sisi.

Ipinahayag din ni Eya ang kaniyang tuwa na mas lumalawak na rin ang paglalaro ng volleyball dahil ngayon, may maitayo lang umano na net ay pwede nang maglaro.

“Ngayon nakakatuwa, kapag basta may maitayong net lang, okay na 'yun, pwede na mag-volleyball du'n. Kahit saan, kahit walang linya, sa kalsada,” sabi ni Eya.
Kasabay ng pagiging popular ng volleyball ay ang pagkakaroon ng mga lalaking players na dati ay napapanood lang sa basketball. Ngunit ngayon, tila mas marami pa ring nanonood at humahanga sa women's volleyball kaysa sa men's.

Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda, “Tanggap n'yo ba na mas famous ang women's kesa sa men's volleyball? Tanggap n'yo ba na mas malaki ang following ninyo kaysa sa mga kalalakihan na naglalaro ng volleyball?”

Para kay Sisi, ito ay marahil mas naunang mapanood ang mga babae sa sport kaysa sa mga lalaki.

“I think po mas nauna lang siguro ma-introduce 'yung women's bago 'yung men's and I think it's growing naman, 'yung men's,” sabi ni Sisi.

Dagdag pa ni Eya, deserving din ang men's volleyball sa pagkilalang natatanggap nito dahil matinding effort at hard work din naman ang binibigay ng players sa sport.

Dagdag naman ni Eya, “And maybe kasi, maybe po, na kasi kapag basketball, lalaki na. Then kapag volleyball, babae. Pero siyempre ngayon, maganda lang, may men's and women's na rin.”

TINGNAN ANG ILAN SA HOTTEST BIKINI PHOTOS NG VOLLEYBALL STARS SA GALLERY NA ITO: