GMA Logo Sitti Navarro, atom araullo
Photo by: SittiNavarro (FB), The Atom Araullo Specials - TAAS (FB)
What's Hot

Sitti, inaming si Atom Araullo ang kanyang campus crush

By Kristine Kang
Published May 4, 2026 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lubao holds first fluvial procession for Apu Sto. Cristo
NWRB rolls out contingency plan amid declining drop in dam water levels
The stunning looks of Marina Summers at MUPH 2026 coronation night

Article Inside Page


Showbiz News

Sitti Navarro, atom araullo


Masayang ibinahagi ni Sitti ang kanyang kilig moments noong college!

Isang masayang alaala na puno ng kilig at youthful feels ang ibinahagi ni OPM singer na si Sitti Navarro.

Sa kanyang panayam sa YouTube channel na Think Talk Tea, binalikan ni Sitti ang kanyang college days sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ang kanilang kuwentuhan ay hindi lang tungkol sa kanyang early singing career, kundi pati na rin sa kanyang munting campus crush na walang iba kundi si Atom Araullo!

"Ka-batch ko si Atom noon. Hindi ko pala siya ka-batch basta naabutan ko siya," aniya.

Dagdag ni Sitti, madalas nilang pag-usapan si Atom dahil sa kasikatan nito, lalo na matapos itong mapanood sa programang 5 and Up.

"Siya 'yung laging inaabangan naming lahat na, 'Ano, nakita mo na ba si Atom? Sino si Atom? 'Yung lumabas sa 5 and Up dati, sobrang gwapo' So lahat kami parang we're always you know waiting on a chance to see Atom Araullo while I was in UP," kuwento niya.

Bilang isang admirer, aminado si Sitti na inaabangan niya noon ang bawat pagkakataong makita si Atom. Ibinahagi rin niya na alam pa niya ang kursong kinuha nito na Applied Physics noong kolehiyo.

"Bato ka kung hindi mo crush si Atom Araullo. Matalino 'di ba? Gwapo," dagdag niya.

Kilala si Sitti bilang Queen of Philippine Bossa Nova mula pa noong 2000s. Sa kanyang malambing na boses, pinusuan ng maraming tagapakinig ang kanyang mga kantang tulad ng “Para Sa Akin” at “Tattooed on My Mind.”

Sa kasalukuyan, masaya ang kanyang buhay may-asawa kasama si Joey Ramirez, at biniyayaan sila ng dalawang anak.

Samantala, si Atom Araullo ay isa sa mga kinikilalang award-winning journalists ng GMA Network. Mula sa pagiging news anchor hanggang sa paggawa ng mga dokumentaryo, patuloy niyang naibabahagi ang mahahalagang kuwento at isyu sa lipunan sa pamamagitan ng kanyang mga ulat.

Balikan ang celebrity crushes ng ilang mga artista sa gallery na ito: