What's Hot

"Siya 'yung angel ko, siya 'yung savior ko" - Boobay on Marian Rivera

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Sa show na Tunay na Buhay, inalala ni Boobay ang ilan sa mga mahahalagang tao sa kaniyang buhay gaya na lang ng kaniyang "my labs," ang Primetime Queen na si Marian Rivera.


Punong-puno ng kulay ang kuwento ng buhay ni Boobay kaya't tiyak na maiiyak at matatawa kayo sa kaniyang feature sa Tunay na Buhay.

Kasama ang host ng show na si Rhea Santos, inalala ni Boobay ang ilan sa mga mahahalagang tao sa kaniyang buhay gaya na lang ng kaniyang "my labs" na walang iba kung hindi ang Primetime Queen na si Marian Rivera. Kinuwento ni Boobay kung paano sila naging matalik na magkaibigan.

 

hmmm ..salamat loves @therealmarian ... salamat sa lahat... ?????? i love you... ????

A photo posted by norman balbuena (@boobay7) on


Aniya, "'Nung una, lumalayo-layo pa ako kasi natatakot sa kanila ni Richard (Gutierrez) 'noon [sa Extra Challenge Extreme] so palagi akong nasa kabilang tent. Tapos bigla niya akong pinatawag, 'Halika nga dito, bakit ka lumalayo-layo d'yan?' sabi niya."

Matatandaan na late last year nang ma-stroke si Boobay. Malaki ang pasasalamat niya kay Marian sapagkat isa ang aktres sa mga tumulong sa kanya.

"Siya 'yung angel ko, siya 'yung savior ko, sobrang bait niya. Basta, I love you," dagdag ni Boobay.

Panoorin ang video ng Tunay na Buhay below:


Maliban kay Marian, ilan pa sa mga mahahalagang tao sa buhay ni Boobay ay sina Direk Cosme at ang partner niyang si Kent Resquir.

MORE ON BOOBAY:

Ate Gay, malaki ang pasasalamat kay Marian Rivera matapos tulungan si Boobay

IN PHOTOS: Ang muling pagbangon ni Boobay

Meet Boobay and his partner, Kent