
Exciting ang Biyernes dahil may sizzling showdown na magaganap sa Family Feud.
Ngayong December 12, ang Team Yummylicious at Tribong Hunky ang magpapakita ng charm, wit, and competitive spirit sa Family Feud stage.
Ang leader ng Team Yummylicious ay ang stunning and sultry, at fan-favorite regular sa Pepito Manaloto na si Robb Guinto.
Kasama niyang magpapakita ng husay sa Family Feud ang sexy actress and DJ from Cebu City na si Skye Gonzaga; ang film and stage actor from Zambales na si Jhon Mark Marcia; at ang singer, hip-hop dancer, and content creator from Sta. Ana Manila na si Mhack Morales.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Maglalaro naman bilang captain ng Tribong Hunky ang former Bidaman at fitness coach and influencer from Silang, Cavite na si Irvine Garcia.
Makakasama niya sa team ang dancer and aspiring actor from Cebu na si Eli Padilla; ang triathlete, TikTok viral creator, actor, and host from Rizal na si Kobe Francisco; at ang Cavite-based creator na nakilala sa gym content and dance trends na si Paul Enriquez.
Abangan ang exciting na Friday showdown na ito sa Family Feud ngayong December 12, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: