GMA Logo Skusta Clee
Celebrity Life

Skusta Clee's 'Ikaw na nga 'yon' post on Instagram goes viral

By EJ Chua
Published June 28, 2023 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Skusta Clee


Post ng local rapper-singer na si Skusta Clee na may kasamang babae, trending sa social media.

Viral ngayon at umaani ng iba't ibang reaksyon ang pinakabagong post ng Filipino rapper na si Skusta Clee sa Instagram.

Sa naturang post ni Skusta, makikita ang isang larawan habang siya ay nasa tabi ng isang swimming pool kasama ang isang babae.

Habang nakatitig sa babae na nakatalikod sa camera ay hawak niya ang kamay nito.

Kakabit naman ng larawan nila ay ang caption ni Skusta na, “Ikaw na nga 'yon.”

Hindi man niya ipinakita ang mukha ng kanyang kasama at hindi pa man malinaw kung ano ang tunay na koneksyon niya sa babae sa naturang larawan ay pinag-usapan pa rin ito ng netizens.

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

Bukod sa pagiging rapper, kilala rin si Skusta bilang ex-partner ng sikat na vlogger sa Pilipinas na si Zeinab Harake.

Kamakailan lang, kinumpirma ni Zeinab sa isang interview na karelasyon na niya ang Filipino-American Basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.

Samantala, si Zeinab ay mayroong anak sa kanyang ex-boyfriend na si Skusta, ang cute na cute na si baby Zebbiana na kilala rin ng netizens bilang si baby Bia.

SILIPIN ANG CUTEST PHOTOS AT MOST GIGIL MOMENTS NI BABY ZEBBIANA SA GALLERY SA IBABA: