
Masaya at thankful si Skye Chua na napasama sa cast ng Hearts On Ice, na kauna-unahan niyang acting stint sa telebisyon.
Para kay Skye, grateful siya na ang nakatrabaho niya sa unang serye ay ang cast ng Hearts On Ice, na aniya, ay naging "sobrang supportive" sa kanya.
Para sa mga hindi nakakaalam, tulad sa role niyang Sonja sa Hearts On Ice, si Skye ay isa ring figure skating champion na lumalaban sa iba't ibang local at international competitions.
Noong November 2022, opisyal nang pinasok ni Skye ang showbiz matapos na pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
Sa Hearts On Ice, napapanood si Skye bilang Sonja, ang isa sa kinaiinisang karakter at mahigpit na kalaban ni Ponggay (Ashley Ortega).
Hindi itinatanggi ni Skye na nahirapan siyang mag-adjust mula sa pagiging isang figure skater hanggang sa maging isang aktres.
"For me naman, ang skating and actin,g center nun is really 'yung discipline. Magte-training ka ng skating, you have to practice for it, parang isang talon, ilang beses mong gagawin. So for acting parang I saw it as the same, kailangan mong mag-workshop, a lot of workshop," sabi ni Skye sa interview sa Kapuso ArtisTambayan.
"Ang hirap talaga ng adjustment from knowing nothing to getting here to the show. Grabe, 'yung first-ever workshop ko with Coach J, super kinabahan talaga ako," dagdag niya.
Ayon kay Skye, na-enjoy niya ang taping sa Hearts On Ice kahit na night shift ito dahil sa masaya at magandang samahan ng cast.
"May scenes kami syempre na kailangang gawin tapos may preparation for that, so minsan bawal kaming matulog kahit graveyard shift kami. Nagte-taping kami from 9:00 p.m. hanggang 10:00 a.m.
"Ganito 'yung schedule namin. Magpapa-make up, tapos chika muna, tapos kakain, kakain, kakain [hanggang umaga]," natatawang kuwento ng aktres.
Patuloy na subaybayan si Skye sa huling pitong gabi ng Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
MAS KILALANIN SI SKYE CHUA SA GALLERY NA ITO: