
May bagong inihandang adventure at mga nakamamanghang kuwento ang Amazing Earth ngayong November 29.
Sa Biyernes, samahan natin si Dingdong Dantes sa pagkilala sa DJ and newbie actress na si Skye Gonzaga. Si Skye ang sasabak sa adrenaline-packed Buggy Challenge sa UCM Adventure Park, San Mateo, Rizal.
Mapapanood din sa Amazing Earth ang British artist and Cebu resident na si James Doran-Webb. Tampok sa episode na ito ang kaniyang eco-friendly sculptures na gawa sa reclaimed driftwood.
Hindi rin papahuli ang amazing na mga istorya ng Kapuso Primetime King tungkol sa bizarre and brilliant creatures mula seryeng "South America's Weirdest”
Tutukan ang Friday night habit na handog ng Amazing Earth, 9:35 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.