
Hindi nagdalawang-isip si Slater Young na sagutin ang akusasyong nakinabang siya sa kaban ng bayan bilang isang government contractor.
Nakilala ng publiko si Slater nang manalo siya sa Pinoy Big Brother noong 2012. Napangasawa niya ang lifestyle content creator na si Kryz Uy.
Ngunit bukod sa pagiging celebrity, isa ring negosyante si Slater, na nagmamay-ari ng kumpanyang Litecrete Philippines. Siya rin ang CEO ng Monterrazas Prime, isang real estate development company na gumagawa ng premium residential project sa Cebu.
Sa Instagram story, nilinaw ni Slater, "I do not have any government projects."
Sa isa pang Instagram Story, sinabi niyang wala siyang mamahaling kotse tulad ng Rolls Royce kahit dalawampung taon na siya sa construction industry.
Source: thatguyslater (IG)
Mainit ang mata ngayon ng publiko sa ilang social media personalities at kanilang pamilya na may koneksyon sa ibinulgar ni President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na 15 contractors na nakakuha ng 20 percent share ng Php 545 billion budget for flood control.
Isa rin sa mga kinukuwestiyon ng publiko ngayon ang lifestyle ng magkapatid at content creators na sina Vern at Verniece Enciso, na kilalang malapit sa mag-asawang Slater at Kryz.
Ang ama ng Enciso sisters na si Verne Enciso ay nagtatrabaho sa Bureau of Customs. Noong 2023, si Verne Enciso ay itinalaga na Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) chief.
Nakasaad sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na ang mga pamilya ng mga government official ay dapat mamuhay ng simple.
Ayon sa batas, “Public Officials and employees and their families shall lead MODEST LIVES appropriate to their positions and income. They shall not indulge in EXTRAVAGANT or OSTENTATIOUS display of wealth in any form.”
Sa ngayon, aktibo pa rin ang Instagram pages nina Vern at Verniece, ngunit deactivated na ang kanilang YouTube account.
Wala pa rin official statement ang Enciso siblings sa mga tanong o akusasyon ng publiko tungkol sa marangya nilang pamumuhay, lalo na at government official ang kanilang ama.
Source: verniecenciso (IG) and vernenciso (IG)
RELATED CONTENT: Celebrities and influencers share their take on trending flood control projects controversy