GMA Logo Murder mystery series SLAY
What's on TV

'SLAY' pilot episode, nag-trend online; umani ng iba't ibang reaksyon sa netizens

By Aimee Anoc
Published March 25, 2025 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Murder mystery series SLAY


Mga Kapuso, maraming salamat sa mainit na suporta sa pilot episode ng murder mystery series na 'SLAY.'

Mainit ang naging pagtanggap ng manonood sa pagsisimula ng GMA's first Viu Original series na SLAY.

Sa TV premiere nitong Lunes (March 24), nag-trend sa X (dating Twitter) ang hashtag ng SLAY na "SLAYLivToTell," na nanguna sa Philippine trends, maging ang "#GMAxViuSLAY" at "SLAY WorldTVPremiere."

Umani rin ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang pilot episode ng SLAY, kung saan marami ang nadala sa intense na mga eksena nina Liv (Julie Anne San Jose) at Zach (Derrick Monasterio).

Ang SLAY ay pinagbibidahan nina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv, kasama ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio bilang Zach at Royce Cabrera bilang Juro.

Ilan pa sa mga bituin na bumubuo sa murder mystery series ay sina James Blanco, Tina Paner, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, Gil Cuerva, at Nikki Co.

Subaybayan ang SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:25 p.m. sa GMA Prime. Maaari rin itong i-stream sa YouTube via Kapuso Stream.

KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: