GMA Logo SLAY number 1 on Viu
Photo by: Viu Original
What's on TV

'SLAY' ranks number 1 on Viu's top 20 series

By Aimee Anoc
Published April 8, 2025 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

SLAY number 1 on Viu


Patok ngayon sa Viu ang murder mystery series na 'SLAY,' na nangunguna sa streaming platform.

Nangunguna ngayon sa top 20 series ng Viu ang murder mystery series na SLAY.

Kasalukuyang nasa episode 21 na ang SLAY sa Viu Original, habang nasa episode 10 na ngayong Martes (April 8) ang serye sa GMA Prime.

A post shared by Viu Philippines (@viuphilippines)

Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original, kung saan magkaiba rin ang viewing experience sa TV at streaming platform.

Pinagbibidahan ang SLAY nina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv, kasama ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio bilang Zach at Royce Cabrera bilang Juro.

Tampok sa SLAY ang imbestigasyon sa pagkasunog at pagkamatay ng fitness influencer na si Zach Zamora (Derrick Monasterio), kung saan suspek ang apat na babae na sina Amelie, Sugar, Yana, at Liv, na pare-parehong may motibo sa pagpatay kay Zach.

MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: