
Inamin na ni Charlie (Chuckie Dreyfus) kay Lourdes (Tina Paner) na siya ang pumatay sa ina ni Yana (Ysabel Ortega) na si Hilda, na base sa flashbacks ay siya ring ina ni Sugar (Mikee Quintos).
Bago tuluyang magpaalam noong Martes (June 10), nakiusap si Charlie na huwag nang sabihin ang nakaraan kay Yana. Makakaya kaya itong maitago ni Lourdes kina Yana at Sugar?
Sa teaser na inilabas ng SLAY ngayong Miyerkules (June 11), pilit na tinatanong ni Sugar ang inang si Lourdes kung ano ang itinatago nito at kung bakit ito pumunta kay Charlie bago ito mamatay. Malalaman na kaya ni Sugar ang totoo nitong pagkatao?
Samantala, panibagong rebelasyon ang mabubunyag sa pagkikita nina Irene (ina ni Zach) at Hector (James Blanco). Ano kaya ang ginagawa ni Hector sa opisina ni Zach (Derrick Monasterio) noong araw na mamatay ang huli?
Huwag palampasin ang huling tatlong gabi ng SLAY, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: