
Pa-intense nang pa-intense ang mga nangyayari sa murder mystery series na SLAY.
Patuloy ang imbestigasyon ni inspector Juro (Royce Cabrera) sa murder case ng fitness influencer na si Zach (Derrick Monasterio), na nasunog at namatay habang naka-livestream.
Sa teaser ngayong Huwebes (April 3), bagong ebidensya ang makukuha ni Juro matapos makita sa cctv ang pagkuha ni Sugar (Mikee Quintos) ng lighter, na ginamit ni Zach noong masunog ito.
Nakumpirma ni Juro na tampered ang lighter at isa sa mga ebidensya na sinadya ang pagsunog kay Zach.
Dahil sa ebidensyang ito, iimbitahan ni Juro si Sugar sa presinto. May kinalaman nga ba si Sugar sa pagkamatay ni Zach?
Abangan 'yan sa SLAY, 9:30 p.m. sa GMA Prime. Maaari rin tong i-stream sa YouTube via Kapuso Stream.
KILALANIN ANG CAST NG 'SLAY' SA GALLERY NA ITO: