GMA Logo Small Laude and Philip Laude
What's Hot

Small Laude, humingi ng space sa kaniyang asawa na si Philip Laude?

By Maine Aquino
Published March 28, 2023 4:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Small Laude and Philip Laude


Alamin ang kuwento ni Small Laude tungkol sa nangyari sa kanila ng asawa niyang si Philip Laude.

Diretsong inamin ni Small Laude na may hindi sila pinagkasunduan ng asawa niyang si Philip Laude.

Ito ay inilahad ni Small nang siya ay sumabak sa Legit Lie Detector Challenge sa YouTube channel ni Bea Alonzo.

Tanong ni Bea kay Small, "Was there a time na you broke up before or humingi ng space?"

Paglilinaw naman ni Small sa tanong ni Bea, "During the marriage?"

Agad naman niyang sinundan ito ng kaniyang pag-amin. Saad ng sikat na YouTuber, "Yes!"

PHOTO SOURCE: Bea Alonzo (YouTube)

Si Philip ay mula sa pamilya ng confectionery makers sa bansa. Sina Small at Philip ay mag-asawa for almost 30 years. Mayroon silang apat na anak na sina Christopher, Michael, Timothy, at Allison.

Hindi man niya ibinahagi kung ano ang dahilan nito, ikinuwento ni Small ang kaniyang ginawa noong hindi maayos ang kanilang sitwasyon. Ani Small, "Nagpakipot ako, nagpasundo ako."

Saad pa ni Small, kailan lang nangyari ito. "Recent, yea!"

Nauna na ring ikinuwento ni Small sa challenge na kapag hindi sila magkasundo ni Philip ay hindi siya agad umuuwi. Pag-amin ni Small, "Nagli-late night lang ako ng uwi, nagpapalipas lang ng time."

Ayon pa kay Small, si Philip ang laging nanunuyo kapag may tampuhan sila. Biro pa niya, malungkot siya dahil hindi maregalo ang asawa kapag sinusuyo siya.

"No, 'yan ang sad part, hindi maregalo si husband."

Panoorin ang mga iba pang inamin ni Small tungkol sa kaniyang personal life at kaniyang career sa challenge na ito with Bea.



SAMANTALA, KILALANIN ANG SOCIALITE AT VLOGGER NA SI SMALL SA GALLERY NA ITO: