
Tinaguriang “crazy rich” ang pamilya ng kilalang vlogger at businesswoman na si Small Laude.
Si Small at ang kanyang asawa na si Philip ay mayroong apat na anak na sina Christopher, Michael, Timothy, at Allison.
Nagsisilbing inspirasyon para sa subscribers ni Small at maraming netizens ang naturang influencer at pati na rin ang kanilang pamilya.
Sa isang event, may ibinunyag siya tungkol sa kanyang mga anak.
Pagbabahagi niya, "Oh my God, they're the ones who're teaching me how to save money. It's the other way around."
Binanggit din niya na wais at independent ang kanyang mga anak pagdating sa paggastos.
Pahayag niya, "You know, I didn't have to teach them. They're so frugal… they're really thinking about how to spend their money.”
"They're the one actually stopping me to be so magastos," dagdag pa ni Small.
Ang laging payo lang daw niya sa kanyang mga anak ay maging madasalin at maging mabuti.
Ayon kay Small, "I just tell them to be prayerful and be kind all the time."
Bukod sa pagiging ina at asawa, pinag-uusapan din ngayon si Small sa social media dahil sa kanyang pagiging “kikay” at fashionista.
KILALANIN SI SMALL LAUDE AT ANG KANYANG PAMILYA SA GALLERY SA IBABA: