GMA Logo Small Laude on Ivana Alawi stalker
Source: GMANetwork.com & Small Laude (YT)
Celebrity Life

Small Laude, 'shookt' sa stalker experience ni Ivana Alawi

By Aedrianne Acar
Published February 18, 2026 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One-fifth of Australian teens still use TikTok, Snapchat after social media ban
Woman lands in jail for alleged 'salisi' modus in Cadiz

Article Inside Page


Showbiz News

Small Laude on Ivana Alawi stalker


Content creator na si Ivana Alawi, naalala nang pasukin ang kanilang bahay ng isang stalker.

Ikinagulat ng socialite-vlogger na si Small Laude ang naging kuwento ng popular YouTuber na si Ivana Alawi sa collab video nila kung saan inalala ng dalaga ang stalker experience niya.

Sa vlog na "Linis, Laba, & Luto with Ivana Alawi" inilahad ni Ivana kina Small at sa anak nito na si Tim ang nakakatakot na ginawa ng isang niyang fan.

Pagbabalik-tanaw ng social media star, “Yung pinaka-weird na encounter ko pumasok 'yung isang fan sa loob ng bahay. Nag-start siya pumunta sa bahay for one week straight. Una, nagbigay siya ng resume kung bakit dapat siya maging boyfriend ko. Ten pages, Tita. 'Yung work niya ano 'yung mga past, previous, e Nanay ko nakatanggap. Tapos meron siyang dalang bulalo na nakalagay sa ice cream na box,”

Napa-comment na lang si Small Laude na weird.

Ayon kay Ivana isang call center agent daw ang naturang lalaki.

“Natakot ako Tita, after nun bumalik ulit siya may dala namang picture, tapos sinunog niya 'yung gilid ng picture ko… 'Tapos bumalik ulit siya after pinasabi sa guard bawal pumasok. Pero iba, nakakalusot pa rin siya.

“And then nakita na lang siya ng driver namin na nasa loob na… Hindi ako lumabas. Buti na lang nasa second floor ako. Nasa loob na siya, pumapasok na siya ng bahay.”

Tanong ni Small: Paano nalaman 'yung address?

“Stalker Tita. Kaya after nun maingat na ako sa gate. Hindi ko na pino-post 'yung gate namin 'yung ganun.”

Source: Small Laude (YT)

Bago sumikat sa vlogging si Ivana Alawi, sumali siya sa reality based-artista search na StarStruck kung saan ang gamit niyang screen name ay Mariam Al-Alawi.

RELATED CONTENT: Celebrities who changed their stage name