GMA Logo Smokey Manaloto and Family
Source: smokey_manaloto (IG)
What's on TV

Smokey Manaloto, emotional nang pag-usapan ang anak: 'I really love my kid kahit ano pa siya'

By Kristian Eric Javier
Published March 6, 2026 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Advocacy groups back bill requiring warning labels on unhealthy food
Pedicab driver nabbed for alleged rape of minor neighbor in CDO
Kirk Bondad gives a pageantry 101 lesson on his IG

Article Inside Page


Showbiz News

Smokey Manaloto and Family


Sa interview ni Smokey Manaloto sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' naging emosyonal ang aktor nang mapag-usapan ang anak na si Kiko.

Naging isang malaking sorpresa para sa Born to Shine actor na si Smokey Manaloto at sa kaniyang non-showbiz partner nang i-welcome nila ang anak na si Kiko noong 2022, lalo na at 51 na siya nang magkaroon ng anak.

Pagbabahagi pa ni Smokey sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 5, isang “welcome accident” ang pagkakaroon niya ng anak, lalo na at matagal na niyang gustong mangyari ito.

“I've always wanted to have a kid, Kuya Boy. Kaso lang, ang problema, I haven't found the perfect partner to have a kid with. And now, I'm very happy, very satisfied that the person I am with right now, I can truly say is my soulmate,” sabi ni Smokey.

Ngunit sa parehong GMA Afternoon Prime talk show din, inamin ni Smokey na, “My son is diagnosed with autism. He's in the spectrum and it's tough, pero every milestone — alam mo, napapansin ko nga na ibang tao, they take for granted 'yung maliliit na mga bagay na nagagawa ng anak. Pero for a parent who has a kid who's on the spectrum, the small things mean a lot.”

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Tapos it's very emotional for me to talk about it pero I really, really love my kid, kahit ano pa siya.”

Ayon pa kay Smokey, mas na-a-appreciate niya ngayon ang maliliit na bagay na nagagawa ng anak niya na madalas ay hindi napapansin ng ibang magulang.

RELATED: Famous parents opening up about raising kids with special needs